
Madaming pagsubok ang dumaan sa buhay ko ngayong nagkaroon ng pandemya. Nagkasakit ang anak ko at namatay ang dalawang kong kapatid. Sa awa ng Diyos, nalagpasan ko rin lahat ng hirap na dumaan sa aming pamilya. Kahit mahirap ang sitwasyon, kailangang magtrabaho para maitaguyud ang aking pamilya. Disiplina ang kailangan sa ganitong panahon. Nagpapasalamat ako sa aking mga katrabaho dahil lagi silang nandyan sa oras ng aking kagipitan. Malaking tulong din sa akin ang ating Panginoon na laging nandyan at gumagabay sa akin.