Ang naging pagsubok ko sa bahay ay noong nagkaroon nang contact ang aking kapatid at aming pamangkin sa nagpositive sa Covid-19. Prayer at constant communication sa pamilya ang ginagawa namin para malabanan ang stress lalo na yung pangamba na mahawaan ang aking mga anak at ang aking ina na matanda na at may sakit. Nagsakripisyo din ako na hindi umuwi at makasama ang pamilya.

Ang naging pagsubok ko naman sa trabaho ay noong nag-lockdown panahon ng harvesting sa bukid at hindi pwedeng kumuha ng emergency laborer. Prayer, lakas ng loob at katawan ang panlaban ko noon, kasi kailangan ko na makipagsabayan sa mga kasama kong fieldworkers na mga lalaki sa mga gawain sa bukid.

Napagod, pero hindi sumuko at nakaya naman.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute