Aprubado ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang panukala ng Kagawaran ng Agrikultura na payagan ang mga magsasaka at mangingisda na ipagpatuloy ang mga gawain sa bukid basta’t tiyakin lamang na malusog ang kanilang pangangatawan. Ito ay upang masigurong sapat ang suplay ng pagkain sa bansa.

Ayon sa kautusan na ipanalabas ng kagawaran noong March 24, lahat ng magsasaka at mangingisda sa bansa ay hindi kasali sa home quarantine basta’t wala itong sintomas ng Covid-19 tulad ng lagnat at ubo.

Ang lahat ng gawain sa bukid ay pinahihintulatan ng nasabing kautusan. Kabilang na rito ang paghahanda ng lupa, pagtatanim, pangangalaga sa tanim, pag-aani, paggiik, paggiling o pagkokono, at maging ang packaging ng produkto.  Ang mga mangngisda at manggagawa na nasa processing at manufacturing ay pinahihintulutan din.

Nanawagan si Agriculture Secretary William Dar na payagan ng lokal na pamahalaan ang mga magsasaka na magtrabaho sa bukid basta’t nakasunod sa pinag-uutos na tamang physical distancing o pagkaroon ng distansya habang nakikipagsalamuha hanggang 2 metro  o anim na talampakan at sumunod sa proper sanitation protocol tulad ng paghuhugas na kamay gamit ang tubig at sabon.

Sagot naman ni DILG Secretary Eduardo M. Año na naabisuhan na

ang mga local government officials, regional directors at field staff na pahintulutan ang mga magsasaka sa kanilang mga gawain sa bukid upang masigurong sapat ang suplay ng pagkain lalo na ngayong may krisis sa bansa.

Samantala, kailangan mag-aplay ng food pass ang mga supplier at truckers online upang hindi harangin sa mga checkpoints. Maaaring tingnan ang Facebook page ng Department of Agriculture ang proseso ng pag-aaplay.

Para naman sa mga walang access sa internet, maaaring magpakita ng katibayan na may buyer na ang kanilang produkto.

Para sa karagdang kaalaman tungkol sa pagkuha ng food pass, maaaring itext FPASS (space) ang inyong tanong at isend sa 0917 505 3380.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute