
Ipinakilala ng DA-PhilRice Agusan sa mahigit 500 kababaihan ang healthier rice options tulad ng high-zinc, low-glycemic index (GI) rice, brown rice, at pigmented rice sa pamamagitan ng food-tasting at briefing activity kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month sa Caraga. Low-GI rice ang pinakanagustuhan ni Jamirah E. Babiera, DSWD officer, dahil tumutulong ito sa pagpapanatili ng mababang blood sugar level, kaya angkop ito sa mga taong diabetic tulad umano ng mga magulang niya. High-zinc rice naman ang nais tangkilikin ni Sharmien B. Bulasa para sa kaniyang 2-year-old na anak dahil bukod sa pinatitibay nito ang resistensiya, pinatatangkad din at pinatatalas ang pag-iisip ng mga bata. Nagustuhan din ng iba pang kababaihan ang brown at pigmented rice dahil sagana naman ito sa antioxidants, fiber, vitamins, at minerals. #BeRiceponsible#riceponsibleeveryday


