Halos walang nabago ang kontribusyon ko sa bahay ngayong pandemya; mas na dagdagan pa. Patuloy pa rin akong naging major bread winner ng pamilya. Ang dagdag ay nag extend pa ako ng tulong sa mga kapatid, ilang kapamilya at kaibigan ko na nawalan ng trabaho. Naging model din po ako sa loob ng bahay sa pagpractice ng pandemic health and safety protocol. Naging supportive sa mga bagay na ginagawa ng family members lalo na ng Nanay ko to combat boredom in a positive way like gardening (flowers, vegies, etc). Naging taga-payo/taga-educate ng mga teenage na pamangkin kung bakit kailangan nilang mag stay at home.

Na balanse ko ang trabaho at panahon sa pamilya sa pamagitan ng self-discipline and leadership.

Self-discipline na gawin ng maayos ang trabaho na may kaakibat na integridad lalo na panahon na kailangan mag work from home. Ang oras ng trabaho ay talagang binibigay sa pagtatabaho kahit nasa bahay lang. Naka handa sa pagsagot ng mga tawag at text ng katrabaho, partners at clientele even beyond working hours, weekends, and holidays. At ginawang dagdag bonding time ang panonood ng ng pelikula lalo na sa gabi, holidays and weekends. Nag-lead din sa pag-divert ng budget for family outing sa pagpapa-renovate/ pag-papagawa ng bahay.

Nagpakita ng Leadership sa kapamilya at sa katrabaho. Para sa katrabaho, bilang program coordinator pinapangunahan ko ang pagsasagawa ng mga dapat gawin para maparating sa mga beneficiaries ang serbisyo na dapat nilang matanggap. Sumasabay ako sa pag-travel sa mga lugar na kaya/pwedeng mapasukan para maipaabot ang serbisyo sa pagsasaka lalo na ng RCEF-Seed Program. Kahit deep inside ay takot mag-travel dahil sa banta ng pandemic, hindi ko ito pinapakita sa mga team members, instead sumasabay din ako sa pag-travel to encourage them to do the same. Palagi din po silang pinapakitaan ng simpatiya at sinsirong pag-aalala at pagpapaalala sa kanila na palaging mag ingat.

Nakikipagsabayan ako sa mga kasamahan ko na maranasan ang kahirapan sa paggalaw lalo na ng naapektohan ng pandemic protocols. Pinapakita ko sa kanila na dama ko ang kanilang kahirapan at challenges encountered para gumalaw sa field. Nilalagay ko ang sarili ko sa kalagayan nila para mas maintindihan ko sila.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute