
Ngayong National Women’s Month, binibigyang-halaga ang pamumunong gaya ng isang Babaylan—matatag, maalam, at may malasakit sa komunidad. Sa DA-PhilRice Batac, isinagawa ang GAD Basic Concepts Seminar para sa mga bagong kawani bilang hakbang sa paghubog ng mga lider na may malasakit at kamalayan sa gender equality.Hindi lang katuwang ang kababaihan sa agrikultura, sila rin ay lider. Sa bawat desisyon at ambag, minsa’y binabago ang sistema at binubuksan ang mas inklusibong kinabukasan.
#Leadlikeababaylanfilipinas#womensmonth


