
Nag-enjoy, natuto, at mas naging RICEponsible ang 227 kababaihan sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Muñoz katuwang ang DA-PhilRice, bilang pagdiriwang ng National Women’s Month.Tampok sa selebrasyon ang Babaeng RICEponsable Cook-off Contest, exhibit, at free tasting ng brown rice, high-zinc rice, low-glycemic index rice, at pigmented rice.Ayon kay Dr. Henry M. Corpuz, lead ng Healthier Rice Program, makatutulong ang pagkain ng mas masustansiyang kanin upang mabawasan ang panganib ng type 2 diabetes, sakit sa puso, at cancer. Paalala rin niya na iwasan ang pag-aaksaya ng kanin at tangkilikin ang lokal na bigas.#BeRiceponsible#riceponsibleeveryday


