Bilang isang haligi ng tahanan at katuwang ng asawa sa lahat ng gawaing bahay, noong kasagsagan ng pandemya, ito ay naging oportunidad upang mapagaan ang trabaho ng aking asawa kung saan mag-isa siyang gumagawa noong di pa dumating ang COVID-19 pandemic.

Habang naka work from home, pagkatapos ng gawaing opisina sa bahay, mas nagkaroon ako ng dagdag na oras or panahon upang tumulong sa paglalaba ng mga damit ng mga anak namin, magluto ng pagkain, maghugas ng mga pinagkainan, maglinis ng bahay at magtanin ng mga gulay sa likod ng bahay. Ito ay naging daan para makatulong sa pagpapalakas ng katawan laban sa sakit at nakapagbahagi din sa mga kapitbahay.

Ang pandemya ay hindi naging hadlang upang itigil ang galaw sa bawat araw, bagkus ito ay isang gintong pagkakataon na naging malapit sa isa’t isa ang bawat miyembro ng pamilya dahil bawal na lumabas, habang ginagampanan naman ang trabaho na naka-atang sa akin ng opisina bilang isang Asst. Branch Director, RCEF Coordinator, BAC Chair, Project lead at iba pa.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute