
Mas lumalim ang kaalaman ng pangalawang batch ng DA-PhilRice staffers matapos dumalo sa isinagawang GAD Orientation na tumalakay sa gender sensitivity, gender-fair language, at gender mainstreaming.Naging interaktibo ang orientation sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng pagbabahagi ng gender stereotypes, pagtukoy ng gender-neutral terms, Myth or Fact game tungkol sa gender roles, at Power Walk na nagpakita ng pagkakaiba ng access sa oportunidad sa lipunan.Bumuo rin ang mga kalahok ng Tree of Equality upang talakayin ang gender inequalities at mga hakbang tungo sa pantay na pagtrato sa ibaโt ibang aspeto ng lipunan.Natapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pangako ng mga kalahok para sa pagsusulong ng gender equality at inklusibong kapaligiran bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.


