Katulad ng lahat na nakararanas ng pandaigdigang pandemya, ako bilang mananaliksik sa larangan ng Food Science, maybahay, ina, anak, kapatid, at kaibigan ay lubhang naapektuhan din. Sa kabila ng matinding pagsubok na ito, ang pananalig sa Diyos ang lagi kong sandigan upang humugot ng lakas sa lahat ng aspeto (physical, emotional, mental, and spiritual). Dahil sa limitasyon ng dalawang buwang lockdown at mga quarantine levels, kinailangan ang mag work from home. Isa itong malaking hamon na hinarap ko ng may creativity at strategies para magampanan ko pa din ang aking mga tungkulin.

Bilang mananaliksik, nag-plano ako ng mga gawain para sa aking research team na angkop sa quarantine levels. Sa panahon ng complete lockdown, nag-focus kami sa data encoding, tabulation, and analysis. Sinamantala din namin na mag-draft ng mga publications, book chapters, at IP applications. Kalugod-lugod na nagbunga ito ng isang accepted scientific paper sa brown rice na pending ang publication ngayong April 2021 habang ang iba ay under review pa. May tatlong book chapters sa specialty rice na pending din ang publication ngayong March 2021. Dagdag pa dito ay naging co-editor ako ng buong libro na ito na may 15 chapters. Mayroon pa kaming ilang IP applications para sa aming mga food products na nai-submit sa DOST-TAPI. Kaakibat ko ang virtual platforms sa lahat ng official communications tulad ng group chats at emails. Naging bihasa din ako sa mga virtual meetings/workshops at webinars.

Noong panahong pinayagan nang bumalik sa PhilRice, kinailangan kong piliin ang mga critical experiments sa aming research projects na dapat matapos. Malaking hamon ito dahil sa limitasyon ng mga health and safety protocols tulad ng kaunting bilang na puedeng gumawa sa mga laboratories. Ang tamang pag-schedule ng pasok ng tao at pag-plano ng mga gawain ang nakatulong upang magawa ang mga laboratory work. Dahil ang mga admin transactions at availability ng supplies ay naapektuhan din, iba’t-ibang kaparaanan ang aming naisip para lamang magawa ang aming mga experiments.

Bilang maybahay at ina ng tahanan, naging masalimuot din ang pag-iisip para malampasan ang mga hamon ng limitasyon ng pandemya. Dahil mahirap ang access sa masusustansyang pagkain at may dagdag gastos sa delivery, nagtanim kami ng mga gulay at nagkaroon ng resource sharing sa neighborhood. Lalo din akong naging malikhain sa pagluluto ng pagkain para masiguradong sapat na sustansya pa din ang mailalaan sa aking pamilya. May kaakibat din na dagdag gawaing bahay dahil hindi na makapunta ang aking kasambahay kaya’t halos wala ng panahong magpahinga.

Isa sa pinakamalaking hamon para sa akin ay ang matinding medical crisis ng aking pamilya na nakatira sa ibang probinsya. Ang aking ama at nakababatang kapatid ay nagkaroon ng cancer samantalang ang aking Kuya ay na-paralyze dahil sa stroke at ang kapatid na babae ay patuloy na kinakaharap ang kanyang heart and lung diseases. Bukod sa tulong pinansyal ay ako na ang naging decision maker sa bawat hakbang ng kanilang medical treatments. Napakahirap nito dahil sa travel restrictions kaya kalimitan ng pag-aasikaso ay sa pamamagitan lang ng telepono at virtual platforms.

Kung sa sarili ko lang ay hindi ko makakaya ang mga hamong ito kaya’t malaking tulong ang personal na pakikinig sa Panginoon at ang pagdalo sa pananambahan kahit online. Tanging ang Diyos at malasakit ng kapwa ang pinaghuhugutan ko ng lakas at pag-asa.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute