Ayon sa mga eksperto na sa pagtatanim ng hybrid rice, halos nasa P100,000 ang karaniwang kita bawat ektarya sa hybrid rice. Sa pagtatanim ng hybrid rice tulad ng Mestizo 1 at Mestiso 20, siguraduhing bago at tama ang dami ng binhing itatanim. Sapat na ang 15-18 kilong binhing hybrid kada ektarya. Payo ng mga eksperto, ibabad ang binhi nang 12-24 oras sa umaagos na may malinis na tubig. Kung ibababad […]

Categories: Broadcast Releases

Ayon sa Presidential Decree No. 491, ang buwan ng Hulyo ay naideklara bilang buwan ng nutrisyon. Sa temang “New normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon”, ipinapayong sama-sama nating palakasin ang ating mga katawan lalo na ngayong may COVID-19 virus pa rin. Upang maging malakas ang katawan, mainam na kumain ng mga masusustansiyang pagkain at palagiang mag-ehersisyo, pahayag ni Evelyn H. Bandonill, Supervising Science Research Specialist ng PhilRice. Paalala ni […]

Categories: Broadcast Releases

Paalala ng mga eksperto na palagiang i-monitor ang bukid upang maging handa sakali mang atakihin ng mata-mata o rice blast. Tinamaan ng blast ang palayang nagkakaroon ng spots o mata-mata sa dahon na hugis diamante na medyo mapula ang gilid at abuhin ang gitna. Sa panahon naman ng pamumulaklak at paglalaman, inaatake ng amag ang batok ng uhay na sanhi ng pagkamatay ng uhay ng palay na tinatawag din na […]

Categories: Broadcast Releases

Hinihikayat ng DA-PhilRice ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang paglalagay ng wastong tatak, karatula, o label sa pagbebenta ng bigas.  Ayon sa National Food Authority o NFA, ang wastong label ng bigas ay dapat na naglalaman ng presyo at klasipikasyon kung ang binebentang bigas ay regular milled, well-milled, premium grade, o special rice. Mahalaga rin na nakasaad kung ang bigas ay lokal o imported.  May karampatang kulay din […]

Categories: Broadcast Releases

Kaakibat ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN ay ang pagtaas ng buwis ng mga produktong petrolyo tulad ng diesel at gasolina. Mahigit 29% ng production cost sa pagsasaka ang nagagastos para sa petrolyo. Noong wala pa ang TRAIN Law, umaabot lamang sa P14,000 kada ektarya ang gastos sa gasolina at diesel ng mga magsasakang nakadepende sa supplemental irrigation. Sa implementasyon ng TRAIn, maaari itong […]

Categories: Broadcast Releases

Ngayong madalas ang ulan sa ating bansa, ipinapayo ng mga eksperto na tanggalin agad ang sobrang tubig sa palayan pagkatapos ng malakas na ulan. Mainam na kumpunihin ang pilapil at linisin ang mga kanal nang dumaloy nang maayos ang tubig at maiwasan ang pagkalubog sa tubig ng palayan. Ang palayang laging lubog sa tubig ay madaling atakihin ng peste gaya ng brown planthopper o BPH. Sakali mang makitaan na ng […]

Categories: Broadcast Releases

Kung mabilis matuyuan ang palayan, mainam na mag-abono nang hanggang tatlong beses sa halip na minsanan. Siguraduhing sanap-sanap o nasa dalawa hanggang tatlong sentimetro ang lalim ng tubig bago mag-aplay ng pataba, ito ay upang mas maibaon sa lupa ang mga butil ng pataba. Ang sobrang lalim ng tubig ay mas mataas ang pagtagas ng tubig pailalim o percolation maging ang pagtagas sa mga pinitak na maaaring sumama ang nalusaw […]

Categories: Broadcast Releases

Sa pagdiriwang ng PhilRice Lakbay Palay 2018, hinimok ni Senator Cynthia Villar ang mga magsasaka na gumamit ng dekalidad na binhi at makabagong makina sa pagsasaka upang mapataas ang kanilang ani. Ayon kay Villar, mainam na matutunan ng mga magsasaka ang paggamit ng dekalidad na binhi maging ang proseso ng pagbibinhi upang makasiguro na mas mataas ang magiging ani. Maituturing na dekalidad ang binhi kung ito ay dumaan sa pagsusuri […]

Categories: Broadcast Releases

Napatunayan ni Benjamin Manual, magsasaka mula sa Pila, Laguna na tumaas ang kanyang ani simula nang matutuhan niya ang tamang pamamahala ng sustansiya sa palayan. Si Mang Benjamin ay isa sa mga kalahok ng Farmer Field School training sa PhilRice Los Baños.  Natutuhan ni Mang Benjamin na kinakailangang tama ang uri, dami, at panahon ng paglalagay ng pataba.  Aniya, mula sa dating 5.5 tonelada kada ektarya ani sa kanilang lugar, […]

Categories: Broadcast Releases

Sa Rice Tariffication Law, mura ang bigas at magsasaka ay pinalakas.  Panalo ang konsyumer ng bigas sa pagpapatupad ng rice tariffication law dahil mas abot-kaya na ang bigas! Kumpara sa presyo noong 2018, bumaba ng mahigit dalawang piso kada kilo ang presyo ng well-milled rice sa merkado.  Maging magsasaka ay panalo rin sa pagpapatupad nito dahil karamihan sa kanila ay bumibili rin ng bigas. Bukod pa dyan, ang P10 bilyong […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute