Average user rating0.0out of 5Sanay ka bang nag-iisa? Hindi ka ba marunong makisama? Aba, hindi pwede ‘yan kung ikaw ay magsasaka. Dahil mahalaga ang pakikisama kung nais mong tumaas ang iyong ani at kita. Sa pagpapalay mahalagang malaman ang mga tamang pamamaraan upang makamit ang inaasam na ani. Para magawa ito, dapat maitama na ang pamamaraan sa pagtatanim pa lamang. Sa pagtatanim ng palay, napakahalagang sumabay sa nakararami o ang tinatawag na sabayang pagtatanim. Bakit? Dahil kung ikaw ay sasabay sa nakararami ay maiiwasan ang paglaganap ng peste at sakit sa palayan. Mauubusan ng pagkain ang mga peste dahil sa sabay-sabay na pagtatanim ay magiging sabay-sabay rin ang anihan. Ang kaunting pagkain ng peste ay magiging hadlang sa pagpaparami ng mga ito. Sa pamamagitan nito, mababawasan at maiiwasan ang paggamit ng pestisidyo at hindi na rin sila maituturing na peste dahil na rin sa mababang bilang nito. Ang pagtatanim nang sabayan sa loob ng tatlong linggo ay sikaping gawin sa inyong mga lugar. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, sumangguni sa Philippine Rice Research Institute o PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa telepono bilang (044) 456-0285 loc 513 o 212. Maaari ring i-text ang inyong mga katanungan sa Farmers’ Text Center na may numerong 0920-911-1398.
| Average user rating | There are no user reviews for this item
|
| | | | |
|