25years logo

logo design contest

Home arrow Broadcast Releases arrow Gumamit ng 40 kilong binhi sa isang ektarya
Gumamit ng 40 kilong binhi sa isang ektarya Print E-mail
Written by The Web Team   
Wednesday, 27 January 2010

Average user rating

0.0

out of 5

Sapat na ang 20 hanggang 40 kilong binhi para sa isang ektaryang sakahan!

Base sa pag-aaral ng PhilRice, ang ganitong dami ng butil ay magkakasya na sa isang ektarya kung ang gagamiting binhi ay sertipikado o certified seeds.

Ang sertipikadong binhi ay mga binhing dumaan sa pagsusuri ng mga kaukulang ahensiya. Sila ang nagpapatunay na ang mga binhing ito ay puro at may mataas na kalidad. Ang mga binhing ito rin ay nakahihigit ng 10% sa ani kumpara sa mga binhing hindi sertipikado.

Ang mga binhing ito ay may tinatawag na high seedling vigor at germination rate. Ito ay nangangahulugang mas mataas ang kakayahan ng mga halaman nito na mabuhay. Mas marami rin ang tutubo mula sa binhing sertipikado at mas makapit ang ugat ng mga ito.  

Sa ganitong dami ng binhi, hindi mag-aagawan ang mga punla sa sustansiyang makukuha sa lupa. Mas magiging malusog at matitibay rin ang mga puno at ugat ng mga ito. Bukod dito, makatitipid pa sa binhing gagamitin ang mga magsasaka at mas maraming makikinabang sa sertipikadong binhi dahil kaunti lamang magagamit ng bawat magsasaka.

Mabibili ang mga sertipikadong binhi sa mga miyembro ng Rice Seed Network o SeedNet na matatagpuan sa buong bansa. Kabilang dito ang mga nasa office of the provincial agriculturist (OPAG), state universities at colleges, mga indibidwal na seed grower at iba pa. Makabibili din ng ganitong binhi sa lahat ng branch stations ng PhilRice.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, sumangguni sa Philippine Rice Research Institute o PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa telepono bilang (044) 456-0285 loc 513. Maaari ring i-text ang inyong mga katanungan sa Farmers’ Text Center. I-type ang REG/pangalan/edad/home address/email address kung mayroon, at ang katanungan upang makapagregister at i-send sa 0920-911-1398.

 
Average user rating
There are no user reviews for this item

 Write your own opinion 

 
 
 
randd
elnino
bawasan

 

Rice Wiki
dbmp