25years logo

logo design contest

Home arrow Broadcast Releases arrow Pagpapasibol at pagkukulob sa binhi
Pagpapasibol at pagkukulob sa binhi Print E-mail
Written by Carlo Dacumos   
Saturday, 05 December 2009

Average user rating

0.0

out of 5

Bago ipunla o isabog ang mga binhi kailangang napasibol muna ang mga ito nang mabuti upang masigurado ang pagtubo ng mga ito. Narito ang ilang hakbang sa pagpapasibol ng binhi.

Hugasan ang binhi at hayaang lumutang ang mga butil. Kung inbred ang binhi, tanggalin ang mga lumutang na binhi dahil walang laman ang mga ito. Subalit kung hybrid, huwag tanggalin ang mga to dahil sadyang magaan ang mga butil ng hybrid. Gumamit ng malinis na lalagyan ng binhi upang masiguradong walang halong ibang buto. Kailangang matibay rin ito upang kahit mababad sa tubig ay hindi mabubutas. Siguraduhing maluwag ang lalagyan upang makasipsip ng sapat na tubig ang mga buto.

Haluan ng Effective Microorganism o EM1 ang tubig na pagbababaran. Ihalo ang isang litro ng EM1 sa bawat 1,000 litrong tubig. Ibabad ang binhi sa loob ng 24 oras. Gumamit ng malinis na tubig upang maiwasan ang mikrobyong maaaring pagmulan ng sakit ng palay. Pinapabilis ng EM1 ang pagsibol ng mga binhi at nakatutulong ito sa pare-parehas na pagtubo ng mga binhi. Ito ay mabibili sa PhilRice at sa mga nangungunang tindahan ng agricultural supplies.

Palitan ang tubig kada 12 oras at haluin ang mga binhi upang maging pantay o pare parehas ang pagtubo ng mga ugat nito. Ang ugat ng mga sumisibol na binhi ay dapat may sukat na 2 hanggang 5 millimetro.  

Kulubin ito ng 24 oras. Siguraduhing may sapat na espasyo sa loob ng sako para sa pagtubo o paglaki ng mga binhi. Tandaang huwag sobrahan ang pagkulob dahil maaring hindi tumubo o kaya’y masira ang mga binhi.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito sumangguni sa Philippine Rice Research Institute o PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa telepono bilang (044) 456-0285 loc 217. Maaari ring itext ang inyong mga katanungan sa Farmers’ text center. Itype ang REG/pangalan/edad/home address/email address kung meron at ang katanungan upang makapagregister at isend sa 0920-911-1398.

 
Average user rating
There are no user reviews for this item

 Write your own opinion 

 
 
 
randd
elnino
bawasan

 

Rice Wiki
dbmp