|
Bigyan ang halaman ng tamang nitroheno |
|
|
|
Written by The Web Team
|
|
Wednesday, 06 August 2008 |
Average user rating0.0out of 5 Ngayong mahal na ang pataba, mas kailangang maging wais na sa paggamit nito. Kalimitan, sinusunod lang ng mga magsasaka ang nakasanayan o schedule ng pagpapataba na hindi base sa pangangailangan ng palay.
Ang leaf color chart o LCC ay isang simpleng instrumento na magagamit upang malaman kung sapat o kulang sa nitroheno ang halaman. Ito ay isang manipis na plastic na may apat na hati na magkakaiba ang tingkad ng pagkaberde. Ang iba’t ibang tingkad ng pagkaberde ng mga ito ang magpapahiwatig kung kailangang magdagdag ng nitroheno sa halaman o hindi. Ito ay may sukat na 13.5 x 6.75 sentimetro kaya pwedeng dalhin saan man.
Ang paggamit ng LCC ay makatitipid ng hanggang dalawang sako ng nitroheno o halos 2,000 pesos kada ektarya. Makakaiwas ka pa sa pag-atake ng peste sanhi ng sobrang pataba.
Ang LCC ay mabibili sa PhilRice na matatagpuan sa Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija at sa mga sangay nito na matatagpuan sa Batac, Isabela, Los Baños, Negros, Agusan at Midsayap sa halagang 40.00 pesos lamang.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, sumangguni sa PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa telepono bilang (044) 456-0285 loc 217. Maaari ring i-text ang inyong mga katanungan sa Farmers’ Text Center. I-type ang REG/pangalan/edad/home address/email address kung mayroon, at ang katanungan, at i-send sa 0920-911-1398.
| Average user rating | There are no user reviews for this item
|
| | | | |
|