25years logo

logo design contest

Home arrow Broadcast Releases arrow Subukan ang PhilRice Tapuy
Subukan ang PhilRice Tapuy Print E-mail
Written by The WebTeam   
Tuesday, 23 February 2010

Average user rating

0.0

out of 5
Maliban sa kakaibang hagod ng PhilRice Tapuy ay mayroon ding mabuting maidudulot ito sa katawan.

Ayon sa mga eksperto, ang PhilRice Tapuy ay ligtas sa sulphites, ang nag-prepreserve ng ilang inumin tulad ng grape wine. Ang sulphites ay nagdudulot ng hangover sa mga nakakainom nito.

Natural din ang pagpapahilab o fermentation process ng PhilRice Tapuy, hindi katulad ng ilang inuming may artipisyal na fermentation accelerators.

Ito rin ay gawa sa purong malagkit na bigas o glutinous rice, hindi katulad ng Japanese sake na may 80 porsyentong halong tubig kung kaya’t mas matamis at mas malasa ito ng di hamak sa ibang inumin.

Sa isang pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa Center of Environmental Science for Human Life, Ochanomizu University, natuklasan nilang ang Japanese sake ay may mga antioxidants na maaaring makapagpababa ng kolesterol. Kung kaya’t ang mga ilang eksperto sa DA-PhilRice ay tinitignan ang posibilidad na maaaring may antioxidants din ang PhilRice Tapuy.

Ang paggawa ng PhilRice Tapuy ay ang resulta ng 15 taong pananaliksik at panunuri ng mas makabago at mas maayos na paraan ng paggawa ng katutubong inumin na ito.

Para sa mga interesado sa PhilRice Tapuy, pumunta lamang sa PhilRice Central Experiment Station, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija o tumawag sa mga numerong (044) 456-0285; -0258; -0685; -0113; -0354 local 511, 519, 520 or 246.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text sa 0920-911-1398.
 
Average user rating
There are no user reviews for this item

 Write your own opinion 

 
 
 
randd
elnino
bawasan

 

Rice Wiki
dbmp